Medyo matagal na rin pala akong hindi nagpo-post. Nalaman ko agad yun sa pagboso ng huli kong post. Heto at babawi ako ngayon.
Sabado. Halos 4 at kalahating oras na ang nakakalipas nang dumating ako sa bahay ng alas-6 ng umaga. Pakiramdam ko, maga pa ang mga mata ko hanggang ngayon dahil dalawampung oras na akong puyat. Kaya bago ko ito itulog, sisimulan ko ang kwento mula kagabi nang matapos ko ang trabaho (pero para sa gabi lang na yon).
May balak kaming 3 na lumabas (Gene, Jheng at ako) after work pero hindi pa sigurado kung saan pupunta at kung ano ang gagawin. Nag-set ako na nayn terti ang usapan (Ako kasi ang huling lalabas. Hehe!). Pero tulad ng deadlines sa trabaho, pinaurong ko nang kaunti lang naman (may kailangan kasing tapusin talaga sa gabing yun). Plus 5 minutes. Plus 10 minutes. Para lang akong nagka-Counter Strike sa isang cybercafe. At sa wakas, natapos kong patayin ang trabaho bandang alas-10 (syempre, mabubuhay na naman yun sa Lunes).
Lumakad na kami paalis ng Pioneer at napagdesisyunan naming tatlo na mag-bus. Hindi naman din kasi kami nagmamadali. Para malibang na rin sa kahabaan ng EDSA. At least, pwedeng ma-enjoy ang mga panahong minsan lang kaming magsama-sama muli.
Mga ilang minuto at kwentuhan pa, biglang kaming huminto pati ang sinasakyan namin. Nakiusyoso pa ako kung ano ang nangyayari sa labas. Umaatras kasi yung bus tapos bigla na lang aabante. Ginawang laruang kotseng de-batak. Yun pala, kumukuha ng pasahero. Pero hindi ko maatim kung bakit kailangan pang iatras eh pwede namang ihinto sa tabi. Ewan ko. Mannerism yata nung manong drayber ang pag-atras-abante kapag may nakikitang papabol na pasahero.
At bago ko pa ikwento ang mga talambuhay ng mga pasaherong nakasabay namin, bumaba na kami sa bandang Q Ave. Para ng dyip dito, sakay dun sa susunod na dyip at mga ilang gulong pa ang umikot, nakarating din kami sa wakas sa dapat puntahan: Off the Grill.
(Oops bago yun, naglakad muna kami papuntang Burger King at kumain).
Kaso, nag-iba ang taste namin dahil may bayad ang pagpasok: Freestyle at yung isa pang bandang hindi ko maaalala, ang dahilan kung bakit 200 pesos ang entrance fee na hindi namin kinagat.
Change of plan, lumipat kami sa iba. Sa Quattro.
Ayos ang ambiance pagpasok mo. Mausok. Amoy beer. Amoy mayaman. Amoy feeling mayaman. May dikit nang dikit sa mayaman. May waiters na hindi namin alam kung waiters nga ba talaga doon (mamaya malalaman nyo kung bakit). May waitress (kasi isa lang yung nag-serve sa amin..). May customer na lalake. Merong babae at merong iba, Kano. Syempre, may kulay Pinoy din (kami lang yata yun) at meron pa kaming nakita na mukhang pinaglihi yata sa domino na foreigner sa may bandang man-made waterfalls na naka-tengga sa dingding.
Balik tayo dun sa waiters. Habang nagkekwentuhan kasi kami at nagkakagaguhan paminsan-minsan sa usapan, napagdiskitahan kong itanong sa waiters/waitress kung bakit Quattro.
Ako: (Feeling kapatid) Ate, bakit Quattro?
Waitress 1: Kasi po 4 silang magkakaibigan. Naghiwalay hanggang nauwi sa 1 na lang.
Nagtanong ulet kami sa iba. Para malaman kung consistent ang sagot.
Ako: Kuya, bakit Quattro?
Waiter 1: Ah.. eh.. Hehehe!
Pokenam. Nakainom yata ng ihi yung nakausap namin. Hindi alam. Siguro baguhan.
Nagtanong ulet kami sa iba pagkatapos naming umorder ng onion rings. Pero sa puntong ito, dito na kami nagduda kung sino ang nagsasabi ng totoo.
Ako: (Feeling kapatid sa labas) Kuya, bakit Quattro?
Waiter 2: Kasi po 4 silang magkakaibigan. Naghiwalay hanggang nauwi sa 2 na lang.
Sabi nung isang waitress, isa na lang ang may-ari. Sabi nung huli naming nakausap na waiter, 2 ang may-ari. Pag-aawayin sana namin yung dalawang sumagot kaso balewala lang. Bahala na sila. Malalaki at bulbulin na sila. Kaya kami, umorder na lang kami ng Colt 45 para walang gulo.
Dumaan ang ilang oras at hita ng mga babae sa mga mata ko, umabot kami sa paghingi sa amin ng last order. Sabi namin, hindi na. Ok na yung naka-3 Red Horse, 3 Colt 45, calamares at onion rings. Tama na yung nilasing nila kami sa maling impormasyon. At tama na yung may tama yung waiter o yung waitress na nakausap namin.
Pero hindi pa dun nagtatapos ang madaling araw. Daan muna ng Starbucks.
2 Venti Frappucino – coffee based. 1 Venti Royal Jelly with Korean Ginseng (Sori! Di ko matandaan. Hehe! Basta may jelly yung inorder ni Jheng).
Kwento. Tawa. Sipsip. Kwento. Tawa. Sipsip. Kwento. Wiwi. Haay.. (halatang pagod na ako sa pag-aalala kung ano yung isusulat ko).
Inabutan din kami ng pagsasara ng Starbucks (ako, paglabas ko ng CR, inabutan ko nang may nakaharang na batuta yung pintuan mula sa loob).
Sa mga oras na yun, nag-kwentuhan na lang ulet kami at nag-aabang ng dadaang dyip na masasakyan para makauwi na sa aming mga bahay.
At minsan na naming napatunayan na: The sun doesn’t wait for us. We are the ones who wait for the sun.
2 Comments
yan ang gusto ko sayo eh.. magaling ka mag post.. keep it up… baka makagawa tayo ng libro… benta natin sa halagang 100 petot… tapos panginom natin ung kikitain.. hahaha
uu pare… ang haba… pero binasa ko…
at ang lufet…
hakyureyt!!!
hahahaha…
aylabet!!!
(.^_^.)